Th06/Musika
Isinalin ni Kuroiden mula sa wikang ingles.
Music titles translation
No. 1 Isang Panaginip na mas Iskarleta kaysa Pula |
Arrangement of Tema ng Kuwentong Silangan |
---|---|
@ Tema ng pamagat. Ito ay Hapon, dahil ito ay Touhou (Silangan). Hindi, totoo. Kaso, ang laro hindi naman ganoon(^^; Hindi siya tunog ng isang STG Isa pa, kailangan pa ba ng tema sa pamagat(tawa)? |
No. 2 Isang Kaluluwang kay Pula ng isang Seresang Durog |
---|
@ Tema ng ika-1 na yugto Imahen ng isang gubat sa hatinggabi. Dahil ito ang unang yugto, tinangka kong gumawa ng isang masiglang tugtog para sana makasabay ang lahat. Kaso mukha ba siyang nakakatawa at napakahirap? |
No. 3 Mga Multo'y Sumusunod sa Gabi |
---|
@ Tema ni Rumia Hindi lang ang tugtog na ito, lahat ng tugtog sa ngayon ay puro magaan. Nanggaling ito sa imahen ng multo tuwing gabi ...o iyon sana ang inaasahan ko(^^; Medyo lundo at luku-luko ito. |
No. 4 Duwendeng Hugis-Gasuklay |
---|
@ Tema ng ika-2 na yugto Naisip ko ang tubig at abu-abo, at naghalo ako ng palatandaan o dalawa. Sa maraming paraan, magkahawig ito sa mga lumang titulo. Hindi ko alam kung bakit may ika-2 na yugto pa(^^; |
No. 5 Ang Minamahal na Binalaki na Iha |
---|
@ Tema ni Cirno Naisip ko talaga ang isang bobong babae para dito. Kaso, hindi ko alam kung maituturing na masigla o madilim ang kinalabasan. Mabilis ang tempo pero... Ika-2 na yugto naman ito. (ha |
No. 6 Tsaahan ng Shanghai ~ Chinese Tea |
---|
@ Tema ng ika-3 na yugto. Sinadya kong gawing mas Tsino ito, kaso hindi naging maayos (^^; Kaso Silanganin pa rin ito, dahil alam ko mahirap maglagay ng Silanganin na tugtog lagpas ng ika-4 na yugto(^^; Mas New Age ito kaysa Fusion, sa tingin ko? |
No. 7 Shanghai Alice ng Meiji 17 |
---|
@ Tema ni Hong Meiling. Kaunting pagka-Europa, pinaghalo ng tugtog ng laro (tumbasang 2:8) Nakakapagtaka na hindi ito mas Tsino, pero iyon ay baka nasa isip ko ang isang pamayanang Pranses kaysa Shanghai. Pero, hindi naman mukhang tao si Meiling. Ano kaya siya...(eh) |
No. 8 Voile, ang Mahiwagang Aklatan |
---|
@ Tema ng ika-4 na yugto. Mula dito, ang laro ay lumilipat sa loob, kaya ito'y isinulat na may panloob na kapaligiran nasa isip. Ang tono nito ay lumipat sa isang mas nagbabanta na bagay sa kanta, kung saan karaniwan mong matugunan ang boss sa gitna ng yugto. Maliban sa iyon, wala namang espesyal na bagay tungkol sa temang ito, ngunit talagang, ito'y hindi isang piyesa ng laro ng pamamaril (tawa) |
No. 9 Babaeng Nakandado ~ Ang Tinatakang Silid ng Babae |
---|
@ Tema ni Patchouli Knowledge. Muli sa sakit na pakiramdam na ito... Ito'y isang kulimlim na kanta—walang anumang magaan o maliwanag na sandali—sa kabila ng medyo mabilis na katangian nito. Maaaring ito'y magiging mas magaan, dahil ang pakikinig sa ito ay maaari lansagin ng isang tao (tawa) |
No. 10 Ang Katulong at Ang Relong Bulsa ng Dugo |
---|
@ Tema ng ika-5 na yugto. Isang napakamahiwaga na kanta. Ang mga pambihirang kumpas ay naglalaro sa iyong pakiramdam ng bilis, minsan tila mas mabilis. Sinusubukan kong gumawa ng isang piyesang rock, pero hindi masyadong ako kumikinig sa rock, maaari din na walang akong ideya ng anong ginagawa ko. (^^; |
No. 11 Orasan ng Buwan ~ Pihitan ng Buwan |
---|
@ Tema ni Sakuya Izayoi. Hindi ka maaaring magkaroon ng soltera kung walang hard rock (biro) Medyo 'tong nagtataboy, dapat sa pangalawa-sa-huling yugto. ...Siguro ako'y hindi masyado alam tungkol sa rock. (^^; Sabihin nalang ito'y poetic rock, ginawa sa paraan ko. |
No. 12 Ang Batang Inapo ni Tepes |
---|
@ Tema ng huling yugto. Ang huling yugto ay palaging puno, kaya ginawa kong pagtaas sa oras na ito. Bilang huling yugto mismo ay medyo maikli, hindi ko ginawa 'tong piyesa na mapamilit. |
No. 13 Septet para sa Prinsesang Patay |
---|
@ Tema ni Remilia Scarlet. Sa piraso na 'to, sinubukan ko ang "Ito na ang wakas!" na pakiramdam. Ayaw ko 'tong maging malahari o nagbabanta, kung saan ito'y karaniwan sa huling yugto, kaya ginawa ko ito batay sa Jazz-Fusion na may isang pahiwatig ng loli... sandali, hindi 'yan iba sa karaniwan. Ang himig nito'y maalwan kahit para sa akin, kaya gusto ko ang kantang 'to. |
No. 14 Ang Sentenaryong Pista para sa Mga Mahiwagang Babae |
---|
@ Tema ng ekstrang yugto. Minsan ito'y Tsino, minsan ito'y New Age. Bakit naman? Ito'y ang nagyari pagkatapos 'kong panggugulo sa aking teklado. Ito'y parang pagtitipon ng aking katamaran. Kapag nakikinig ka ng maigi, meron itong maraming kakaibang mga ritmo sa kantang 'to. Sa ibang salita, ito'y ang aking toy-box. |
No. 15 U.N. Owen ay Siya? |
---|
@ Tema ni Flandre Scarlet. Ito'y ang pinakagusto ko sa buong laro. Inilalarawan nito ang isang demonyo na batang babae sa paraang silanganing at mahiwaga. Magaling ako sa mga loli-tastic na himig, kaya natuwa ako noong ginagawa ko 'to. |
No. 16 Isang Kawalang-hanggan na mas Pansamantala kaysa sa Iskarlata |
Arrangement of Tema ng Kuwentong Silangan |
---|---|
@ Tema ng wakas. Tulad ng maaari mong hulaan mula sa pangalan nito, ito ay isang isagawa na bersyon ng tema ng pamagat. Kaya ito din ay sa istilong Hapon. Pero, wala namang kahit anong masamang bagay 'to. |
No. 17 Krimson Kampanaryo ~ Eastern Dream... |
---|
@ Tema ng staff roll. Ang staff roll ay palaging kulimlim at desperado, kaya ginawa ko 'tong mas masaya at may pag-asa, sa tingin ko. Palaging maikli lamang ang staff roll, hindi ko kayang gumawa ng mahahabang piyesa. Sana ginawa ko 'tong mas kahanga-hanga, ngunit natapos ito ng kaunting tuyo. Pero hindi 'to ang balak ko (tawa) |
[[Category:MediaWiki:Cat music/tl]][[Category:MediaWiki:Cat lang/tl]]